Menu Close

Fun Stuff

Libangan, lahat ay nangangailangan nag pag-lilibangan!

Tama, kahit na madami ang ginagawa o hindi makaugaga sa dami ng proyekto na ginagawa ay hindi dapat mawala ang libangan kung saan ay makakapag pahinga o makakalayo pansamantala sa mga kaharap na trabaho. Maraming uri na puwedeng maging libangan, ang iba ay nagbi-bisekleta, umaakyat ng bundok, nananahi, nagluluto, nag lalaro ng video games, at iba pa. Sa lahat ng ito ay pinaka na gustuhan ko ang pag gawa ng Gundam Plastic.

Bakit Gundam Plastic?

Simple lamang, maliban sa ito ay nakakalibang ay na ihahayag ko rin ang aking damdamin sa pag gagawa nito. Matapos kong bumuo ng isang modelo ay hindi natatapos doon ang aking trabaho, kinukulayan ko ito ng kulay na gusto ko at sa tingin kong babagay dito. Grey, Silver, Blue, Red, Gold lahat ng puwede na gamitin ay maaaring subukan, kaya naman ako’y sobrang nalilibang dito. Magaan ang pakiramdam ko pag ako ay tumututok dito, maaaring hindi maiintindihan ng lahat, laruan lamang sa kanilang paningin ngunit naniniwala ako na pag pasyon mo ang iyong ginagawa ay hindi mahalaga ang magiging opinyon ng iba, ang importante ay nasisiyahan ka.

Medyo mapapagastos ka lang talaga dito, dahil ito ay hindi basta laruan lamang na puwede mong bilin sa bangketa, kalidad ang mga ito at hindi basta basta. Mula pa noong taong 1979 unang lumabas ang serye ng Mobile Suit Gundam na pinag-bibidahan ni Amuro Ray at karibal nitong si Char Aznable ay nag-umpisang lumabas ang mga Gundam Plastic hanggang sa panahon ngayong 2018 sa pinakabagong serye ng Gundam Build Divers. Iyan ay humigit kumulang 39 taon na! kaya’t hindi nakapag tataka at madami na rin ang nahilig sa pag buo nito.

Hindi pa ako ganoon kahusay sa pag gawa nito, kaya naman sana ay maintindihan ninyo na hindi lahat ng mailalagay ko sa blog na ito ay pinaka mataas na kalidad ayon sa inyong inaasahan. Pero sisiguruhin kong pinaghirapan ko ang mga makikita ninyo dito.

Mga laman ng blog na ito: