Menu Close

The World

Para Saan Ang Blog Posts Na Ito?

Kahit ano, basta’t walang kinalaman sa trabaho o sa libangan. Dito ko nais talakayin ang iba’t ibang bagay na may mga kabuluhan na nalalayo sa trabaho at libangan ko. Ginawa ko tong seksyon na ito para sa nagiisang layunin na makapag salita ng malaya tungkol sa iba’t ibang interesanteng bagay sa ating komunidad maging tungkol man sa ibang lugar o bansa. Hangad ko din na makapag bahagi ng mga ilang payo tungkol sa diskarte sa buhay, pakikisama sa kapwa at pagiging maayos na mamamayan.

Hindi Ako Perpekto

Walang perpektong tao sa mundo, lahat may kani-kaniyang kahinaan at kapintasan, ngunit wala naman sigurong masama na makatulong sa kapwa, hindi ba? Kaya’t isa din sa layunin ng blog page na ito ay makagawa ng isang daan upang magkaroon ng malusog na talakayan patungkol sa iba’t ibang mga bagay na may kabuluhan. Sana’y iwasan ang hindi maganda at nagdudulot ng away na talakayan. Gawin natin ang lahat upang maging maayos at matiwasay ang blog page na ito.

Sino Ang Perpekto?

Si Lord, wala nang iba. Mahalaga din na may pamantayan o basehan ang mabuting asal o gawa. Sabi nga “evil is the absence of good” mababawasan ang masama kung lahat ay may kabutihang asal. Alam kong napakaraming krisis ang pinagdadaanan ng buong mundo, kahit na gaano kayaman na bansa ay may kanya kanyang problema. Kaya sa gitna ng mundo na ito, nais kong makapag bahagi ng mga ilang payo na makakatulong sa ating mga pagkatao.

Para sa akin, kahit gaano ka kadaming pera o kayamanan kung bagsak naman ang pagkatao mo at masahol pa doon ay may natatapakan kang iba ay bale wala rin ang lahat. Kaya sana ay makapag bahagi ako kahit konting kalinawan sa isipan ng mga naguguluhang pag iisip. Magpo-pokus ako sa tips na may kinalaman sa pamamaraan sa buhay, paano makisama sa kapwa, kung paano makapag tipid ng pera, paano mag ipon, paano maging matatag sa mga problema at marami pang iba.

Mga nilalamang ng blog na ito: