Noong nakaraang October 2022, naisipan naming pumasyal sa isang kilalang pasyalan dito sa Bataan na matatagpuan sa Barangay Tala, Orani. Maraming nagsasabi na mala-Baguio City vibes daw ito dahil sa ito ay naka puwesto sa bundok at dahil na rin sa mismong dama o “feel” pag nandoon ka na sa mismong lugar. May mga residente din kaming mga nadaanan at nakita din namin ang isang trending na Coffee shop “Little Seoul Cafe” (ang ganda pala nito sa personal, papasyalan din namin ito soon). Ang layo nito sa Balanga City ay humigit kumulang 25 kilometers, siguro nag-byahe din kami ng mga 40 minutes dahil sa naging traffic noong araw na ‘yon.
Batangas inspired “Lomi”
Pag dating namin sa taas ay tumambad samin ang isang sikat na lomihan na inspired daw ng Batangas lomi. At syempre hindi na namin pinagtagal at ito’y sinubukan na namin dahil na rin sa gutom sa byahe.
Ay masarap nga! kaso medyo kinulang lang sa dami hehe, pero pwedeng pwede ang lasa nya.
Trail to Tala View Deck
Medyo hindi ako nakapag picture sa part na ito kasi naman ay nakakatakot ang dinaanan namin. Mayroon pang isang part na parang nalaglag ang halos kalahati ng daan kaya nag dahan dahan kami. Pero dahil bumagal kami ay kinapos naman sa bilis ang Van namin at kumaskas ang gulong sa bato. Na-stuck din kami ng mga 30 minutes doon kaya parang nawalan kami ng pag asa na masilayan ang mga bundok. Pero dahil sa tiyaga ng Pastor namin (siya din ang nag da-drive) ay naka alis din kami sa part na ito at tuluyan nang nakaakyat sa tuktok. Panoorin sa ibaba ang itsura ng tuktok.
Masasabi kong napakaganda nga pala ng lugar na ito at ang mas maganda pa ay malapit lang ito sa siyudad namin. Minsan maganda din na lumalabas tayo at nag gagala gala sa paligid dahil may mga nakatagong ganda na hindi natin nakikita na malapit lamang pala. Medyo umaambon ng mga oras na ito kaya makulimlim, nagkaroon din ako ng chance na maka kuha ng mga litrato ng bundok. Masdan ang ganda nito!
Facebook Comments