Menu Close

Mga madalas gamitin na HTML Tags

Sa unang blog ay tinalakay ko ang panimulang paraan upang makagawa ng sariling webpage. Sa mga oras na ito, dapat ay pamilyar ka na o kabisado na ang panimulang straktura ng pagbuo ng webpage, Html, head, title, body, h1, p iyan ang mga pangunahing tinalakay doon, kung hindi mo pa ito nababasa ay hinihimuk kita na maglaan ng oras upang balikan ito bago basahin ang bagong pagtuturo na ito.

Bakit importanteng alam ang pangunahing straktura?

Sapagkat mahalaga ito at dito mag uumpisa ang lahat ng iyong mga matutunan sa larangan ng pag gawa ng website. Upang maiwasan na rin ang pag kalito sa mga bagong pagtuturo na gaya nito.

Sa pagtuturo na ito, magbibigay ako ng mga ilan pang HTML Tags na madalas gamitin, ito ay ang a, img, ul. Isa isa kong bibigyan linaw kung ano ang mga ito at kung ano ang kanilang tungkulin o parte sa pag buo ng webpage. Matutunan mo kung paano gumawa ng “link”, maglagay ng imahe o larawan at mag gawa ng listahan na maayos tignan.

Mga madalas gamitin na html tags

  • a – Para sa pag gawa ng link
  • img – Para sa pag lalagay ng larawan o imahe
  • ul – Para sa pag gawa ng listahan

Ihanda na ang iyong notepad application at tayo ay mag-uumpisa na.

HTML Tag 1 – “a” Tag

Naranasan mo na ba na makapag-click ng link habang ikaw ay nag-iinternet? Sigurado ako nagawa mo na, ito yung pag pindot mo sa salita o imahe at madadala ka sa ibang webpage. Ang tawag dito ay “Hypelink” sa wikang ingles.

<a href="https://worldofjosh.com">Ito ay isang halimbawa ng link</a>

Ang halimbawa na ginawa ko ay isang link papunta sa unang pahina ng website ko na ito. Pansinin kung paano nakapa loob sa href=”” ang website na patutunguhan, dapat ay tamang nakapaloob ito sa quotations dahil kung hindi, ay hindi ito gagana kaya linawan ang mga mata habang nag co-code, suriin ang ginagawa sa lahat ng oras.

Subukan mo ito sa iyong ginagawa, alalahanin na dapat mo itong i-paste sa tamang lugar. Muli kong ipapakita ang tamang lugar na pag lalagyan nito.

<html>
  <head>
    <title>Ang Una Kong Web Page</title>
  </head>
  <body>
    dito ilalagay/ipa-paste ang code.
  </body>
</html>

HTML Tag 2 – “img” Tag

Paano mas magiging interesante ang pag buo ng website? Isang paraan ay ang pag lalagay ng imahe o larawan, Ang buryong yata ng isang babasahin kung wala man lang ito kahit isang larawan, hindi ba? Simple lamang ang code na ito at napakadaling intindihin.

Gagamit ako ng libreng larawan na mula sa Google Image Search.

<img src="image.jpg" />

Ang file ng larawan ay dapat kasama ng Home.html na iyong ginagawa, kung hindi ay hindi ito gagana.

Muli ay tignan mabuti ang pag co-code, gayahin ng mainam ang halimbawa na aking nilagay o para mas sigurado, i-copy paste mo na lang. Tandaan na kailangan na i-save ang iyong ginagawa at ito ay subukan, dapat ay nakalabas ang imahe.

HTML Tag 3 – “ul” Tag

Ang huli ngunit hindi mag papahuling HTML Tag ay ang ul tag, ito ay ginagamit kung ikaw ay mag gagawa ng isang listahan o “Bullet List” sa wikang Ingles. Nakakalitong basahin ang isang artikulo kung ito ay may isang parte halos dikit dikit ang bawat pangungusap, dito makakatulong ang HTML tag na ito. Para sa kapakanan ng pagtuturo na ito ay gagawa ako ng listahan ng prutas upang maipakita kung paano gumagana ang HTML tag na ito.

<ul>
  <li>Mansanas</li>
  <li>Saging</li>
  <li>Manga</li>
</ul>

Pansinin na mayroon akong ginamit na kaugnay sa HTML tag na ito. Ang bawat lista ay dapat nakapaloob sa li tag, kung hindi ay hindi ito gagana, kaya’t siguruhing maayos ang iyong ginagawa. Ipapakita kong muli ang kabuuang straktura sa halimbawa sa ilalim.

<html>
  <head>
    <title>Ang Una Kong Web Page</title>
  </head>
  <body>
    <ul>
      <li>Mansanas</li>
      <li>Saging</li>
      <li>Manga</li>
    </ul>
  </body>
</html>

Huwag kalimutan na subukin ang iyong ginagawa, dapat ay makita mo ang listahan ng maayos.

Dito ako mag wawakas sa pagtuturo ko na ito, kung nahihirapan ka ay gamitin lamang ang contact form upang mag sumite ng katanungan tungkol dito. Ako ay libreng sasagot sapagkat gusto kong ibahagi ang aking nalalaman sa tagapag basa ng blog kong ito. Tumutok lamang para sa mga susunod ko pang ipo-post na pagtuturo.

Facebook Comments

Leave a Reply