Mabuhay! ako po si Joshua Ruanes taga Balanga City, Philippines. Isa akong website developer na gumagamit ng WordPress na plataporma. Ginagawa ko na ito ng halos sampung taon, at sa mga taon na yaong lumipas, masasabi kong madami na din akong natutunan hindi lamang sa pag gawa ng isang website kundi sa pakiki-tungo din sa mga cliente ko. Mula America hanggang Australia, ay dinanas ko na siguro lahat ng uri ng cliente, mula sa masungit hanggang sa mabait, pero ano man ang kanilang maging ugali, kailangan makisama sapagkat naniniwala ako na ang relasyon sa trabaho ay napaka importanteng aspeto upang gumana o maging epektibo ka sa iyong naatasang trabaho.
Ito Ay Personal Kong Blog
Gayon pa man, ang blog na ito ay personal kong pinatatakbo. Dito ko ilalahad lahat ng saloobin ko mula sa aking trabaho hanggang sa iba’t ibang uri libangan o hobby. Mula sa paglalahad ng tips upang makatulong ako sa mga kapwa nating naguupmisa sa industriya ng website development hanggang sa pagbibigay na rin ng ilang pamantayan upang masiguro ang kalidad ng proyekto na tatahakin. Nauunawaan ko kung maraming tanong sa isipan tungkol sa pag gawa ng website, kaya isang layunin din ng blog na ito ay makatulong sa mga baguhan na naghahangad na kumita sa bahay o kahit saan pa man (basta mayroong gumagana na internet at personal computer) sa pamamagitan ng pag gawa o pag develop ng website gamit ang WordPress. Ako ay libreng sasagot sa inyong mga katanungan, ngunit susulong na ko sa pag hingi ng paumanhin kung may oras na maaantala ang aking pag responde, pero sisiguruhin ko sa abot ng aking makakaya na tumugon sa inyong mga katanungan sa lalong madaling panahon.
Mga Magiging Pokus Ng Blog Na Ito:
- WordPress tips/tricks
- Photoshop techniques
- General Website Management tips
- HTML, CSS, PHP, MySQL Topics
Sana ay masiyahan kayo dito sa pag bisita sa aking personal na blog, mahilig nga din pala ako sa Gundam Plastic, pagkuha ng larawan at musika! Sa hinaharap nawa mag karoon ito ng napakaraming nilalaman, maraming salamat!