Kamusta na? alam ko sobrang tagal ko nang huling nag-post dito sa blog ko na ito, humigit kumulang isang taon siguro… ang dami nang nangyari at lumipas, sadya napaka bilis lumipas ng panahon. Natatandaan ko pa nung inumpisahan ko ang blog na ito, ay tila napaka busy o maraming ginagawa ang bawat tao na nakakasalamuha ko, pero ngayon sadyang nag-iba ito… bakit? dahil sa Covid-19 na virus na nagpabagal sa buhay ng lahat ng tao sa buong mundo.
Sigurado ako na napakarami na naapektuhan ng pandemic na ito, una na ang mga nagtra-trabaho sa mga opisina, pabrika at iba pa. Marami akong nakita sa facebook na mga nag lalahad ng kanilang mga damdamin at dinadanas… sa dami ng mga nag-post ay iisa lamang ang pinupunto nito, ito ay ang kahirapan. Maraming nawalan ng trabaho, naubos ang ipon, wala nang makain, at napakaraming isyu pang iba. Sa gitna ng kaguluhan na ito, ay maryoon pa din naman na mga nagtra-trabaho na umaandar parin gaya ng mga BPO companies, essential vendors, meat and fish… etc.
Hindi ko lubos maisip na paano na kung isa ko sa hanay ng mga dumanas nito? anong paraan ang gagawin ko upang makaraos sa pandemic na ito? Dito papasok ang mga naging desisyon ko noong nag-aaral pa ako, dahil sabi ko noon ay gusto ko at pangarap kong maging isang website developer. Dahil kung hindi, ay malamang isa ako sa mga matitindi ang dinadaing sa buhay. Malaki ang pasasalamat ko sa Maykapal dahil biniyayaan Niya ako ng trabaho na gagana pa rin sa mga oras na ito. Sa gitna ng pandemic na ito ay kinakaya ko pa rin na makapag bayad ng mga uitlity bills, makapag stock ng grocery, makabili ng mga gustong kainin dahil sa sobrang kabagutan sa quarantine at makapag bayad pa din ng monthly sa kotse namin ng asawa ko.
Napaka-okay talaga na maging isang online freelancer, oo nakakabagot kung minsan dahil nasa bahay ka lang, pero hey! lahat tayo nasa bahay lang ngayon. Honestly, hindi ko maramdaman ang pinagkaiba ng malaya noon at nakakulong sa quarantine ngayon dahil nga hindi naman ako palalabas ng bahay due to work. Anyway, i hope and pray na matapos na ang pandemic na ito para back to normal na ang lahat. Salamat sa oras sa pag basa! hanggang sa muli.
Facebook Comments