Narito tayo muli sa isa nanamang pagtuturo patungkol sa kung paano mag install ng plugin sa wordpress. Basahin lamang maigi ang tutorial na ito dahil napakadali lamang nitong sundin at siguradong matutunan mo ito agad-agad. Gagamit ako ng mga wastong larawan na magpapakita ng eksakto mong gagawin upang magawa ito ng walang kahirapang dadanasin. Gusto ko kasi na ibahagi ang mga pagtuturo na ito sa pinaka-simpleng maaaring maging porma nang sa gayon ay hindi mahirapan ang bumabasa kung siya man ay may karanasan na sa pag gamit ng wordpress o wala pa.
Nasa mga nakaraang pagtuturo ko din nga pala ang iba pang mga isinulat ko patungkol sa pag gawa ng website gamit ang wordpress. (Link nito – Worldofjosh WordPress Tutorials)
Paano mag install ng plugin sa wordpress?
Isang malaking bahagi talaga sa kung paano gumawa ng website ay ang pag kunsidera kung paano ito gagana o mag be-behave ng naaayon sa iyong kagustuhan at hindi makaka apekto sa mga babasa o gagamit ng iyong website. Mabuti na lamang at ang WordPress ay napakadaling gamitin at napakaraming maaaring gawin dahil sa dami nitong plugins na maaari mong idownload ng libre at gamitin kaagad.
Gaya ng pag-install ng themes ay kaparehas nito sa pag install ng plugin. Maaari kang bumili ng mga paid o bayad na plugins sa mga kilalang website gaya ng CodeCanyon at gamitin ito sa iyong blog, o di kaya nama’y gumamit ng libreng plugin na sa ngayon ay ating tatalakayin. Ihanda na ang iyong blog at tayo ay maguumpisa na.
Step 1
Mag log-in na sa backend o wp-admin ng iyong blog at pumunta sa Plugins > Add New.
Step 2
Gamitin ang mga default tabs nito gaya ng Featured o Popular upang maka kita ka ng mga plugin na nais mong i-install, ngunit sa pagtuturo na ito ay gagamitin natin ang search function. Para sa kapakanan ng pagtuturo na ito, tayo ay mag sesearch ng isang napaka simpleng plugin para maging halimbawa.
Step 3
Kusang lalabas ang mga tutulad sa iyong sinearch. Pag nakita mo na ang plugin sa ibaba na gusto mong i-install ay pindutin mo lamang ang Install Now.
Hintayin mo itong matapos at pindutin ang Activate.
Tapos na, nakapag-install ka na ng plugin at ito ay aktibo o gumagana na sa iyong blog. Napakadali talagang gamitin ng wordpress, kaya’t ito pa rin ang pinaka nirerekomenda ng karamihan upang makatulong kung paano gumawa ng website o blog.
Sana ay natulungan ka ng maigsing post na ito. Antabayanan pa ang mga susunod na aking ituturo. Salamat!
Facebook Comments