Marahil ay madaming mga bagay tayong mga nagawa sa taong 2018 na ito, ito ma’y maganda o hindi, masama o mabuti. Ito ay nagawa na at di na maibabalik pa. Tandang tanda ko pa noong inumpisahan ko ang blog na ito noon nakaraang July lamang, wala akong ideya kung ano ang mga isusulat ko dito dahil ito ang kauna unahan kong blog (well, meron mga nauna ngunit hindi rin nagtagal), ito ang masasabi kong blog na sineryoso ko talaga bagamat maraming pagsubok, frustrations at iba pa. Sadyang mahirap talagang makipag-buno para sa ranking mo sa search engine ni google.
Ang post na ito ay malayang isip ko lamang, hindi ito pagtuturo o tutorial o ano pa man, ngunit isang labasan lang ng maaaring mga sabihin. Maraming nangyari sakin ngayong taong ito kahit na home-base ang trabaho ko. Maraming karanasan, maraming rin bagong pinagkalibangan. Na-uso ang ragnarok mobile, heto medyo naging mahumaling ako at halos kinakain na ang buong oras ko sa maghapon kakalaro nito he-he. Pero ayos lamang, sapagkat iyon naman ang kahulugan talaga ng buhay, i-enjoy mo ang mga bagay bagay dahil hindi naman habang panahon mamamayagpag tayo dito sa lupa. Para sakin ang mga bagay na dumaraan ay dapat sinusulit, dahil daraan lamang yan at aalis din kaya mabuting enjoyin na rin.
Malapit na rin ang pasko at ang bagong taon, gusto kong iwan sa 2018 na to ang mga masasamang ala-ala na dinanas ko, dahil alam ko naman na hindi ito mkakatulong sa akin sa pagsalubong sa bagong taon na 2019. Nais kong iwanan kayo ng parehong positibong pananaw, na maraming blessings ang darating ngayong 2019. Hindi mo to kailangan i-share gaya ng nakikita mo sa fb na makapag parami lang ng like at share! Gusto ko kung mabasa mo man ito ay iset mo sa isipan mo ang magagandang bagay na mangyayari sa susunod na taon. Sana ay maging matagumpay tayo, ako, ikaw sa ating mga gustong pangarap na buhay.
Muli, nais kong magpasalamat sa inyo na mga masulit na tagapagbasa ng blog na ito, at makaka asa kayo na marami pa kong balak isulat sa susunod na taon. Advanced Merry Christmas and Happy New Year!
Facebook Comments