Kilala ang mga Pinoy sa pagiging masipag at madiskarte sa buhay, ibat’ ibang paraan ang naiisip upang kumita ng pera. Sa pag usbong ng makabagong teknolohiya napapadali ang mga bagay bagay. Malaki ang natutulong nito sa bawat Business dahil sa makabagong teknolohiya madali n gang komunikasyon ng bawat isa. Pero sino nga ba ang mag aakala na may pera sa makabagong teknolohiya ngayon. Kahit na sa bahay ka lang ay kikita ka ng pera, pwede itong part time para pan dagdag income at pwede naming full time depende sa business na gusto mo. Madaming pwedeng gawin sa pag online pwede kang mag tinda ng mga bagay, pagkain at iba pa at pwede din naming vlogging kung saan Youtube ang magpapasagod sayo. Noong wala pang pandemic hindi gaanong tinatangkilik ang online business dahil gusto ng tao na makasiguro sa kanilang bibilin at madami pang napapanood noong wala pang pandemic. Pero ngayong may pandemic ay lumaganap na ang online business upang makaiwas sa sakit at upang pang tawid sa araw araw dahil marami ang nawalan ng trabaho. Hindi natin sukat akalain na may pera sa pag oonline.
Madami ang nag tatanong kung paano kumita online. Hindi madali dahil bago mag umpisa ay madaming dapat na ihanda at ang pinaka importante ay ang WiFi connection dahil kung wala ito ay hindi pwedeng mag online business. Sa umpisa hindi agad natin makikita yung pera pero magpatuloy at mag tiwala na magiging patok din sa masa ang business na napili natin. Paano nga ba kumita ang isang online Business.
Sa pagbebenta mahalaga na alam mo yung product na gusto mo ibenta para incase na magtanong ang customer ay alam mo ang isasagot. At sa vlog naman ay kung tungkol saan dapat lahat ng vlog mo ay may isang topic na sinusunod. Mahalaga din na may kakaiba sa online business mo dahil ito ang magiging panlaban mo sa iba. Hindi dapat manawa yung mga tao sa binebenta mo o kaya sa vlog na meron ka dapat laging may twist. Sa pagkain or product na binebenta mo dapat yung maganda sa paningin ng customer para maingganyo silang bumili at kung sa vlog naman introduction palang makuha muna atensyon ng manunuod at dapat may sense yung content ng vlog hindi yung makapag post lang. Pinakamahalaga ay ang presyo dahil ito ang unang tinitingnan para sa mga nag bebenta online. Wag tayo gahaman sa tubo yung kung ano lang ang dapat at paminsan minsan ay mag sale tayo or promo. Sa vlog naman ay pwedeng magpalaro kung saan ay magkaka prize ang manunuod para tangkilikin ang vlog natin. Ilang strategy lamang yan kung paano kumita online. Sa lahat ng gagawin mo dapat masaya ka, nag eenjoy ka at iwasan na ikumpara ang business mo sa iba dahil yan ang magpapabagsak sayo.
Bilang isang nag oonline business ay dapat matiyaga , may determinasyon at tiwala dahil baliwala lahat ng strategy na meron tayo kung paano kumita online kung sa pag uugali bagsak tayo. Walang madali, may time na walang kita at walang nanunuod pero hindi dahilan yun para huminto ka kundi maging inspirasyon mo ang bawat kahinaan mo para mag tagumpay ang pag bubusiness mo, tandaan mo aasenso ka, aasenso ko, aasenso tayo.
Facebook Comments