Ilang buwan na ang nakakalipas simula nung bumaligtad ang buong mundo dahil sa virus na Covid-19, walang nakaligtas sa virus na ito dahil lahat ng tao sa buong mundo ay apektado. Lahat tayo ay nabalot ng takot dahit sa virus at bawat bansa ay nag karoon ng kanya kanyang pamamaraan upang makaiwas sa sakit. Isa sa paraan na naisip ay ang Home Quarantine kung saan hindi lahat ay pwedeng lumabas, ang mga may Quarantine Pass lamang ang nakakalabas at limitado pa ito. Isang pamamaraan pa ay ang pag papasara ng mga establisyamento at pag babawas ng mga tauhan sa trabaho upang maiwasan ang pagkalat nito. Dahil sa mga pamamaraan na ito ay madami ang nawalan ng trabaho at naboboringan sa bahay. Kaya isang malaking tanong Paano nga ba maging mabunga sa gitna ng pandemya kahit naka home quarantine?
Maging mabunga sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Maging positibo sa buhay dahil kung titingnan natin an gating buhay ng negatibo ay wala tayong magagawa malulugmok lamang tayo sa lungkot at problema. Isipin natin ang magandang naidulot ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, duon tayo mag focus dahil ang pagiging positibo ay makakatulong sa atin upang maging mabunga sa gitna ng pandemya
Mag isip ng paglilibangan dahil hindi porket nasa bahay ay wala ng ibang magagawa dahil maraming pwedeng gawin tulad nalang ng pag eexercise, pag luluto, pagliligpit ng bahay at pag tratrabaho para makaraos sa araw araw. Dahil sa pandemya umusbong ang pag tratrabaho online dahil sa panahon ng pandemya bawal ang maging tamad mag isip ng paraan para maging kapakipakinabang ang bawat araw.
Mag karoon ng bonding sa pamilya, isa ito sa magandang naidulot ng pandemya dahil nagkasama sama ang pamilya na dati ay busy sa mga bagay bagay sa mundo. Huwag natin sayangin ang mga panahon na ito para hindi maka bonding ang pamilya. Huwag tayo puro gadgets dahil hindi ito nag dudulot ng maganda sa atin makipag usap at kulitan din tayo sa ating pamilya.
Mag karoon ng komunikasyon sa ating Diyos dahil Siya lang ang tanging makakatulong sa atin sa bawat araw. Ito din ang panahon upang mas lalo Siyang makilala, ibigay natin sa Kanya ang buhay natin sa bawat araw at paniguradong magiging mabunga an gating buhay sa gitna ng pandemya.
Facebook Comments