Hi Everyone. I’m back! ang pag uusapan natin ngayon ay kung paano maging healthy habang tayo ay naka quarantine dahil sa Covid-19.
Sino nga ba ang mag aakala na isang araw gigising tayo sa bagong buhay kung saan lahat ng ating nakasanayan ay nabago na tila ba tayo ay isang bilanggo sa ating mga tahanan kaya naman wala tayong ibang ginawa kundi ang matulog, kumain,manuod ng tv at mag gadgets. Sa araw araw na dumadaan paulit ulit lang ang ating ginagawa pero dapat nating tandaan na dapat ay inaalagaan pa din natin ang ating katawan lalo na ngayong may virus na kumakalat na hindi naman natin nakikita.
Paano nga ba maging Healthy?
Marami sa atin kapag kumakain ng masusustansyang pagkain ay healthy na pero ito ay napakalawak na usapin dahil hindi lang ito tungkol sa ating pisikal maging ang ating pag iisip,emosyon at spiritual ay dapat isang alang alang upang masabi na tayo ay healthy.
Pagiging Healthy Physically
Ngayong quarantine limitado lamang ang mga pagkaing pwede natin makain dahil sa sitwasyong meron tayo, bukod sa mataas ang presyo mahirap din ang pag dedeliver ng mga ito dahil sa dami ng check point na pagdadaan. Pero marami pa din tayong gawin para maging healthy ang ating pagkain tulad ng pagbabawas ng mantikas at mga seasoning sa mga pagkain ating niluluto at ang mahalaga ay ang pag inom ng tubig na wala o higit pang baso sa isang araw. Iwasan din natin ang mga pagkaing proseso dahil hindi ito makakatulong sa ating katawan. Mahalaga din ang mag ehersisyo kahit sa loob lamang ng ating tahanan dahil malaki din ang matutulong nito para tayo ay lumakas. Galaw galaw para hindi agad pumanaw.
Pagiging Healty mentally and Emotionally
Ang ating pag iisip at emosyon ay magkatugtong dahil kung ano ang ating iniisip ay naaapektuhan ang ating emosyon. Ngayong Quaratine marami sa atin ang na stress dahil hindi natin alam kung saan tayo kukuha ng ating ikakabuhay sa araw araw dahil sa pagkawala ng trabaho ang iba naman ay nakaramdam ng takot dahil sa virus na hindi naman natin nakikita na maaaring makapatay sa atin. Hindi healty ang pag iisip ng maganda kaya ang dapat nating gawin ay ang maging positibo sa lahat ng ating pinag dadaanan. Isipin nalang natin isang araw babalik din sa normal ang lahat dahil kung tayo ay mag iisip ng hindi maganda wala din itong matutulong na maganda sa atin. Positibo lang palagi para buhay ay sumaya.
Paano maging Healthy Spiritually
Dahil sa virus pinag bawal din ang mas gathering kung saan apektado ang simbahan lugar kung saan natin kinakausap ang Diyos. Marami sa atin ang naputol na ang koneksyon sa Kanya dahil dito. Meron ding mga tanong sa atin na kung bakit Niya ito pinahintulutang mangyari kaya tayo ay bumabagsak sa spiritual. Para sa akin ito ang pinaka mahalaga sa lahat na dapat maging healthy tayo spiritual dahil kapag healthy tayo spirtual susunod na ang iba. Huwag tayong mangamba dahil ang Diyos natin ang magbibigay ng ating pangangailangan mag tiwala lang tayo sa Kanya dahil sa likod ng mga pangit na nangyayari kumililos ang Diyos na ikakabuti natin. Maglaan tayo ng oras sa Kanya at unahin Siya upang tayo ay sumagana.
Sama Sama tayong magkaroon ng healthy life habang tayo ay nasa Quarantine.
Facebook Comments