Paano magtipid ng pera? Siguradong napakarami nang nagkalat na artikulo tungkol dito dahil ang pinoy likas na mahilig magbasa ng tips o payo lalung lalo na’t kung may kinalaman ito sa pera. Sa dami ng tips na tiyak ay nabasa mo na, lahat tayo may kanya kanyang paraan para makapagtipid ng pera, dito sa post na ito, ako ay magbibigay ng tatlong napaka simpleng pamamaraan para matiyak na may kapupuntahan ang iyong pinaghirapang pera.
TIp #1 – Matutong kumontrol sa pananabik
Dapat may kontrol ka sa iyong sarili o pananabik sa pamimili, dahil kung wala ka nito ay tiyak mauubos ang iyong pinaghirapang pera. Sa sobrang dami ng tukso sa panahon ngayon tulad ng mga damit, sapatos, gadgets, road trips at higit sa lahat ang daming fasfood chains na halos araw araw yata ay may bagong itinatayo, isama mo pa yung mga online shopping tulad ng shopee at lazada kung saan napakadami mong pag pipilian at may COD pa. Kaya panigurado napakahirap magtipid ng pera. Pero kung marunong kang kumontrol sa sarili mo at mas importante sayo ang hinaharap, tiyak na malulusutan mo ito.
Tip #2 – Bakit mo naisipang magtipid ng pera?
Teka muna, dapat ay may rason ka kung bakit ka nag titipid ng pera dahil mahirap mag ipon kung hindi mo alam kung para saan yung iniipon mo, isipin mo na ito yung magiging inspirasyon mo o yung goal mo sa pag titipid ng pera kasi may gusto kang mapatunayan sa iyong sarili. Maaring gusto mong may emergency fund ka, may ipon kang malaki o di kaya’y naka set na rin sa iyong isipan ang iyong hinaharap na buhay. Dapat yung magiging rason natin nag pag titipid ay makabuluhan, ito kasi yung magiging bunga o premyo ng iyong pag titipid lalo na’t hindi biro ang pag pasok araw araw sa trabaho. (Basahin ang unang karanasan sa trabaho).
Tip #3 – Seguridad ng iyong iniipong pera
Tiyaking alam kung saan ilalagay o itatabi yung pera na iyong natipid dahil hango sa aking karanasan mahirap mag tipid kapag nakikita mong madami ka nang naiipon na pera, lalo na kung ito ay nasa pitaka mo lamang na araw araw mong binubuklat. Kaya kung seryoso ka at gusto mo talagang mag tipid ng pera, itabi mo ito sa lugar kung saan hindi ka matutukso na tignan maya’t maya at hindi mo magagastos. Maaring mag alkansya ka o isang lalagyan na may lock para hindi mo sya makuha basta basta. O di kaya’y mag open ka ng savings account sa mga maaasahan na bangko na madaling i-access mula sa iyong tahanan.
Paano magtipid ng pera sa simpleng paraan
Maaaring simple lamang ang mga tips na aking ibinigay dito sa post na ito pero tandaan mo na sa oras na isinaalang alang mo ang pag titipid ng pera dapat ikaw ay seryoso. Mabuting gawain ang magtipid ng pera, pero dapat nabibili mo pa rin ang mga bagay na iyong kailangan sa pang araw araw, baka sa sobrang pagtitipid ay hindi ka na kumakain. Kailangan lamang natin iwasan ang pag bili ng mga bagay na hindi naman natin kinakailangan, ito yung tinatawag na mga luho. Hindi naman masama na paminsan minsan mamimili ng mga gadget o cellphone lalo na kung wasak na yung ginagamit mong telepono, pero kung hindi talaga kaya ay magtiis muna. At kung sa tingin mo’y masasayang lang ang iyong tinitipid na pera sa pag bili ng mga ito, ay pag isipan natin itong mabuti.
Sana ay maryoon kang napulot na aral sa post na ito, kaya tayo na’t magtipid!
Facebook Comments