Web development, ano nga ba ito? at ano ang mga posibleng puwede na makamit nito?
Dito ko ilalahad lahat ng aking mga karanasan sa loob ng halos sampung taon kong pag gawa ng mga website at aking mga bagong tuklas. Ipo-post ko din dito ang mga ilang tips/tricks upang makatulong sa mga baguhan na nag hahangad pumasok sa larangan na ito, maging sa mga marurunong na din. Layunin kong mag karoon ng isang malusog na diskusyon sa pagitan ko at ng mag ku-kumento sa mga magiging nilalaman ng blog na ito.
Ang pag gawa ng website ay hindi isang biro, ito ay pinag-bubuhusan ng panahon at oras upang matutunan ng husto, kailangan ng determinasyon at pagsisikap upang makamit ang resulta na nais marating. Napakraming klase na website ang maaaring magawa sa pamamagitan lamang ng WordPress. Personal, Business, Company, Commerce, at marami pang iba. Nais kong talakayin ang iba’t ibang uri ng websites, kung ano ang mga kani-kaniyang tungkulin nito at pag-kakaiba nito sa bawat isa.
Ilalahad ko din sa blog na ito ang mga ilang payo tungo sa pag pili ng mga nararapat o angkop na kulay na gagamitin base sa uri ng website na gagawin, kung ito ba ay babagay, kung ito ba ay magkakaroon ng kabuluhan at hindi masakit sa mata pag tinignan. Sa tulong ng photoshop, ay ipo-post ko ang mga ilang payo sa pag gamit nito sa paraan na nalalaman ko. Maaaring marami nang tutorials sa internet na makikita, ngunit gusto kong magkaroon ng magiliw na pamamaraan sa pag turo, nang sa gayon ay madama ng makakabasa na ang mga nais matutunan ay hindi dapat kinakatakutan.
Pangkalahatang-ideya ng blog na ito:
Layunin kong madagdagan pa ang mga uri ng post na ilalagay ko dito, pero sa ngayon ay ang mga nilahad ko muna ang uumpisahan ko. Sana’y maging makabuluhan ang inyong pag-basa sa blog na ito. Salamat!