Magandang araw! narito ako ngayon upang mag-bahagi ng isang tutorial. Marami na akong nakita na wordpress theme installation tagalog tutorials, kaso parang yung pag ka-katagalog niya eh translated. Kaya heto ako ngayon gumawa ng isang orihinal at personal na approach sa kung paano mag install ng theme sa wordpress. Kung hindi mo nabasa ang una kong itinuro tungkol sa wordpress ay narito: (WordPress installation + Blog Post). Diyan ko itinuro kung paano mag-install ng wordpress gamit ang cPanel access at kung paano na rin mag post ng una mong blog.
WordPress Theme Installation Tagalog Tutorial
Mapo-pokus tayo sa tutorial na ito kung paano gamitin ang native na tungkulin o function ng wordpress. Nais ko na rin pasadahan na maaari kang mag-download ng mga themes galing sa internet, o di kaya’y sa mga kilalang website gaya ng Themeforest. Kung pupuntahan mo ang link na yan ay malamang manlula ka sa presyo ng mga themes na maaari mong bilhin at i-download. Huwag mag alala dahil mayroon naman na mga libre o free themes na maaari mong gamitin sa iyong sinisimulang blog.
Mga konsiderasyon sa pag pili ng theme
Bago tayo dumapo sa pag-install ng theme ay isipin mo muna kung ito ba ay babagay o magiging akma sa tema ng iyong blog? Baka naman kasi travelling blog ka pero ang pinili mong themes eh parang commerce site, hindi ito babagay. Kaya’t mahalaga na isipin din ito, dahil hindi maganda ang papalit palit ng themes ayon sa akin karanasan. Dahil hindi ka matatandaan ng mga magiging readers mo kung papalit palit ka ng itsura, hindi ba? kaya dapat ay i-sure mo na ang pipiliin mong themes.
Step 1
Mag-login ka sa iyong wodpress backend at pumunta sa Appearance > Themes.
Step 2
Pindutin ang Add New sa itaas. At tatambad sa iyo ang libu-libong pagpipilian ng mga libreng wordpress themes.
Step 3
Pindutin ang Install sa napiling theme at hintayin mo itong matapos mag-install.
Matapos nito ay pindutin ang Activate at tignan ang resulta sa iyong website, Dapat ay makita mo na ang iyong bagong install na theme.
Congrats! Natutunan mo nang mag-install ng themes, hindi ba’t napakadali lamang matutunan ang wordpress? kung may hindi ka naintindihan ay mag-iwan lamang ng komento sa ibaba, at sasagutin ko ito. Puwede mo rin nga pala gamitin ang search function sa taas kapag nagpunta ka sa mga pag pipilian ng themes.
Dito ko na tatapusin ang pag tuturo na ito. Abangan ang mga susunod pa, salamat!
Facebook Comments