Menu Close

Tambak ng website projects, sobrang busy!

Hello! medyo matagal akong na-delay sa pag sulat ng blog dito, kasi naman sa nagdaang mga linggo ang dami kong website projects na ginagawa. Nung nakaraang buwan kasi medyo napahinga ako dahil nag summer vacation sa America, so medyo kaunti ang mga naging kliyente. Lumipas ang ilang linggo eto na nga kasabay sabay na ng dating. At ang medyo mabigat pa dito ay yung mga task o gawain na dapat kong tapusin ay hindi basta-basta medyo mas mahirap kumpara sa mga ginawa ko nang website noon pa. Pero nalinang din naman ang mga kakayanan ko sa pag gawa sa mga website projects ko na ito dahil mas napag buti ko ang pag gamit ng Adobe illustrator at isa pa nag upgrade ako ng Working station ko. Sa ngayon ay underway pa rin ang mga proyekto na ito, medyo naka pahinga lang ako sa mga oras na ito kaya na kapag post.

busy sa website projects

Naging busy din pala ako sa pag gawa ng mga libreng logo na sinimulan ko nitong nakaraang buwan lang din. Ang daming nag request, okay lang ang pagod dahil nag papa-salamat naman ang karamihan, sa mga hindi marunong mag pasalamat, kilala ninyo na sarili niyo hehe enjoy your free logo. Di ko lubos isipin na may mga magre-request nga talaga ng logo sa akin, eh pano ba naman libre na quality pa ang mga gawa (hindi ako nag yayabang, check mo na lang ang files section ko haha) Ikaw na ang humusga kung pangit o maganda, pero lahat nang yan ay nasisiguro kong ginawa ko ng hindi basta-basta o minadali. Dahil lahat yan ay pinagsikapan ko at pinagisipan na mabuti.

Sa ngayon ay medyo mabigat talaga ang schedule ko, buti nga’t heto naka pag blog pa ko kahit isa, pero kung makaka luwag muli ay balak kong magpatuloy sa pag gawa ng mga tutorials o pagtuturo kung paano gumawa ng website, at sa dati ko nang paraan ay mamabutihin kong sisimplehan ko lamang ito upang madaling unawaain at maka enganyo sa mga taong nais sumubok sa larangan na ito. Lagi ka lang sumubaybay sa blog na ito dahil tiyak na marami kang mapupulot na tips mula sa personal kong mga napagdaanan sa loob ng sampung taon kong pag gawa ng website, pag design ng logo at kung ano ano pa.

O pano, hanggang dito na muna, salamat sa pag basa!

Facebook Comments

Leave a Reply