Paano maaprove sa adsense? ilang daan o libo ko na yatang nakita yan sa pamamagitan ng pag search ko sa Google. Napakaraming nagkalat na artikulo tungkol dito sa mga blog na nakita ko sa mga nakaraang pag saliksik ko, dahil gustong gusto ko mag karoon ng sariling blog at hindi lamang basta blog ngunit may ads na nang gagaling sa napakasikat na ad platform na Google adsense.
Pabalik sa nakaraan mga halos siguro 8 to 9 na taon, ay nagumpisa akong mangarap na sana balang araw ay magkaroon ako ng sariling napapatakbong website o blog na kung saan ay naisusulat ko ang mga hilig ko nang hindi ako naiinip at nasisiyahan pa ako at higit sa lahat kumikita pa ng pera sa pamamagitan nito.
Tips kung paano maaprove sa adsense
Hindi ko sasabihing madali, ngunit hindi ko din naman sasabihing mahirap. Siguro depende ito sa iyong sariling dedikasyon, kung gaano ka kaseryoso sa layunin mo na maaprove ang iyong website o blog ng google adsense. Maglalahad ako ng mga ilang tips na ginamit ko mismo kung paano ako naaprove sa aking pag aapply.
Tip #1 – Huwag pera agad ang isipin
Bakit? dahil sabi ko nga kanina lamang ay halos sampung taon ako nag susubok ng pag aapply sa google adsense, pero lahat ito ay bigo. Dahil ang mindset ko noon ay pera agad, kita agad, maliwanag na sa loob ng kulang sampung taon na yon ay masasabi kong bigo ako, dahil umpisa pa lamang ay mali na ang aking approach.
Dapat gusto mo at hilig mo
Ang iyong blog ay dapat hilig mo, yung gusto mo at hindi ka mababagot sa pag susulat. Huwag mag alala dahil ang adsense mag mula noong Agosto 2016 hanggang sa ngayon ay nakakaintindi na ng Tagalog language. Kaya’t hindi na mahirap sa ating mga pinoy ang pag susulat ng blog, basta ayusin lamang ang mga salita na isinusulat, huwag gumamit ng mga pampa-igsi o shortcuts, buuin ang salita palagi sa pagsulat ng artikulo.
Tip #2 – Magisip ng interasanteng paksa
Mag isip ka ng magandang babasahin na sa tingin mo ay magiging kaabang abang sa mga magiging mambabasa mo sa iyong blog. Ngunit dahil layunin natin makapasa sa approval ng Google adsense, ay mangyaring sundan mo ang kanilang content guidelines. Sundin ang payo ng kanilang gabay sa pagsulat ng nilalaman ng iyong blog at iwasan ang mga ipinagbabawal.
Maglaan ng oras sa pag iisip
Huwag mag madali sa pag iisip ng iyong magiging paksa, sinasabi ko sa iyo na ako ay nag aksaya na ng halos isang dekada at ayaw kong maulit ito sa mga nangangarap mag karoon ng pagkakakitan sa pamamagitan ng pag ba-blog. Kung mali na ang iyong naumpisahan ay tiyak na sunod sunod na ang mangyayaring kapalpakan sa iyong blog. Kaya’t kinakailangan na maglaan talaga ng oras at panahon sa pag iisip ng paksa.
Tip #3 – Maging pamilyar sa pag gawa ng website
“Teka muna, gusto ko lamang mag sulat ng blog, wala akong panahon na mag aral ng pag gawa ng website”. Tama ka naman diyan, ngunit ang sinasabi ko ay maging pamilyar ka man lang sa mga pamamaraan ng pag buo ng website, nang sa gayon ay hindi ka maging sobrang walang kaalam-alam sa pag setup ng blog. Basahin ang isinulat ko kung paano gumawa ng website. Basic lamang iyan, para lamang may ideya ka kung paano gumagana ang isang website. Irerekumenda ko na dapat ay magkaroon ka ng sariling website o self-hosted website dahil mas maganda talaga sa mata ang domain name nito at mas madaling i-manage dahil malaya kang gawin ang gusto mo at walang limitasyon sa control panel.
Paano kung walang kakayanan para mag karoon ng sariling website
Kung gusto mo talagang magsulat lamang o hindi sa ngayon kayang bumili ng sariling website ay puwede naman ito. Gumawa ng account sa Blogger at pagaralan ito kung paano gamitin upang makapag gawa ka ng sarili mong blog. Libre lamang ang serbisyo na ito at ang Blogger ay pag aari ng Google kaya’t sigurado ang reputasyon nito sa kalidad na hanap ng Google.
Tip #4 – Be consistent (Tuloy tuloy lamang)
Nakapag isip ka na ng paksa, nakapag gawa ka na ng blog, nakapag sulat ka na ng mga ilang artikulo. Huwag titigil, huwag mag sasawa, tuloy tuloy ka lamang basta’t nasa tama ang iyong mga ginagawang artikulo, huwag kang tatamarin dahil mahirap kalaban ang katamaran. Aaminin ko na magpasa hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng katamaran, ngunit nilalabanan ko ito sa pamamagitan ng pag babasa pa ng mga makakadagdag sa aking kaalaman sa pag sulat ng blog. At hindi mo mamalayan ay gaganahin ka muling mag sulat ng artikulo at ito ay makakatulong upang ikaw ay maging consistent sa iyong blog.
Tip #5 – Enjoy it
Kung nagagawa mo na ang mga dapat sundin sa pag gawa ng blog at tuloy tuloy ka na rin dito. Ang susunod naman ay dapat, enjoyin mo ito dapat nasisiyahan ka at dapat ay hindi ito maging kabigatan sa iyo. Importante na sa bawat ginagawang blog post ay na-enjoy mo ito dahil naipapakita din sa iyong nasulat na blog kung gaano mo ito na-enjoy gawin. At ang resulta nito ay magiging kaaya-aya din itong basahin sa mga magiging madla ng blog mo.
Basta ang kabuuong punto ng blog post ko na ito ay dapat determinado at seryoso ka sa pangarap mong maaprove ng adsense ang iyong blog. Magbigay ng panahon at huwag tamad. Sana’y nabigyan kita ng kaliwanagan tungkol dito, abangan ang mga susunod kong ipo-post na teknikal kung paano ayusin ang iyong blog upang magustuhan ito ni Google.
Facebook Comments