Noong bata pa ako nangarap ako na lumipad. I mean, sino bang hindi? lahat naman siguro ng mga bata o minsan nakatatanda ay minsan sumagi sa isip nila na lumipad. Parang ibon na kahit kailan gustong lumipad ay kaya nilang magawa. Naalala ko noon habang naglalaro kami ng mga kalaro ko sa kalsada, once na may dumaan na eroplano sa langit ay titingala kaming lahat at iduduro namin to. Ano nga kaya ang pakiramdam ng lumilipad?
Sa paglago ng teknolohiya sa panahon natin ngayon ay tila wala nang imposible… ika nga “Everything is possible, the sky is the limit” o sa tagalog “Lahat ng bagay posible, imahinasyon mo lang ang limitasyon”. Ngayon, marahil ay nasa loob pa rin tayo ng Covid-19 pandemic era, maraming kabataan ay sobrang nababagot na kahit na maghapon nang mag games sa cellphone ay tila bitin pa rin o hindi sapat ito upang matalo ang kainipan nila.
Shopee Budol
At dahil isa tayong dakilang uto uto ng Shopee, isang araw ay naisipan kong mag gala sa shopee app, browse dito, browse doon hanggang sa dumaan sa feed ko etong topic natin ngayon… ang “DJI Mini SE Drone”. I said to myself why not? at iyon na nga, nag add to cart at nag checkout ng halagang 17,800 PHP… dalawa silang pinagpilian ko ng Mini 2, pero wala kasi akong karanasan sa pag D-drone kaya doon na lang ako sa mas mura which is yung Mini SE.
Pag katapos kong mag checkout, hindi ako makatulog kasi sobrang na e-excite ako na madeliver yung drone ko. Dumaan ang mga araw hanggang sa makita ko na “Out for delivery” na yung item so sobrang hyped ako noong araw na ‘yon. At eto na nga, J&T kasi very infamous siya sa experience ko na palagi gabi nag de-deliver… LOL. So nagantay kami ng pamangkin ko hanggang inabot na ng 8PM nawawalan na ko ng pag asa kala ko di na darating, pero matapos ang ilang tawagan/text sa rider dumating din naman yung item, safe and sound! Kaso siyempre gabi na kaya hindi na din masusubukan lumipad haha!
Time to fly!
Kinabukasan dahil nga sobrang excited ay kulang ako sa tulog, 3 hours lang yata… nagising ako ng 7am ng sabado. Sinetup ko kaagad at konting basa ng guide kung paano mag palipad, sabay ‘yon! napalipad na din sa wakas! Sobrang saya ko at nerbyos kasi akala ko mawawala na yung drone dahil na disconnected agad haha, mapuno kasi sa area namin… pero thankfully mayron built-in Return to Home function itong DJI drones, bumalik siya ng kusa kahit hindi ko pinipiloto.
Ang mga sumusunod na images sa ibaba ay ang kuha sa unang lipad ko, sana ay na-enjoy ninyong basahin ang maigsing blog na ito, sa susunod muli! Salamat!
Facebook Comments